Kiko, nanindigan na hindi niya pinagsabay sina Devon at Heaven

Pinasinungalingan ni Kiko Estrada ang mga alegasyon na pinagsabay niya sina Devon Seron, na kaniyang ex-girlfriend, at ang kasalukuyang partner niya ngayon na si Heaven Peralejo.

Iginiit ni Kiko na hindi siya cheater at hindi third party si Heaven.

Sa isang interview ay sinabi ni Kiko na kinailangan niyang linawin ang mga bagay-bagay dahil sumusobra na ang pambabash ng mga tao sa kanila ni Heaven.

Ayon kay Kiko, madalas ay tahimik lang siya tungkol sa pribado niyang buhay ngunit ngayon ay kailangan na malaman ng mga tao ang katotohanan at ang timeline ng mga pangyayari.

Ibinunyag ni Kiko na tinapos nila ni Devon ang kanilang dalawang taon na relasyon noong February 14, 2021, at nagsimula lamang ang pagiging close niya kay Heaven, isang buwan matapos ang break-up.

Iginiit ni Kiko na masakit para sa kaniya na nasasaktan ang taong mahal niya mula sa mga gawa-gawang kwento.

Nagsimula ang mga usap-usapan tungkol sa hiwalayan nina Kiko at Devon noong March 2021 matapos nilang mag-delete ng mga larawan nila sa sari-sarili nilang IG pages.

Dahil rin sa cryptic posts ng kapatid na babae ni Devon ay lalong umugong ang mga spekulasyon na ang co-star ni Kiko na si Heaven sa Bagong Umaga ang dahilan ng paglala ng sitwasyon sa pagitan nila.

Kalaunan ay itinanggi ni Heaven noong Marso na meron namamagitan sa kanila ni Kiko habang noong Abril sa isang TV show guesting ay kinumpirma na ni Kiko ang hiwalayan.

Ngayong Agosto ay inamin na nina Kiko at Heaven na meron silang relasyon.