Nakauwi na ang boksingero na si Carlo Paalam sa kaniyang hometown matapos ang kaniyang matagumpay na pagsabak sa 2020 Tokyo Olympics.
Sinabi ng 24-anyos na Olympic silver medalist na makakakain na ng masarap ang kaniyang pamilya at sa wakas ay makakatulog na siya sa isang air conditioned na hotel.

Sa pag-uwi ni Paalam sa Cagayan de Oro ay agad naiabot sa kaniya ang P2-milyong na tseke ng city hall bilang pabuya sa kaniyang performance sa Olympics at pagbibigay dangal sa tinaguriang City of Golden Friendship.
Mababatid na ang CDO ay ang ikalawang tahanan ni Paalam, na tubong Talakag, Bukidnon.
Sa CDO nagsimulang mag-training ng boxing si Paalam noong sampung taong gulang pa lamang ito.
Nadiskubre siya doon matapos niyang sumali sa kanilang lokal na paligsahan sa boxing noong 2009.