62 bagong COVID-19 cases, naitala sa New Zealand

Naitala ng New Zealand ng 62 bagong mga kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules.

Naging virus-free ang New Zealand mula pa noong Pebrero, ngunit nagtapos ito noong nakaraang linggo dahil sa Delta variant outbreak sa Auckland na agad kumalat sa Wellington.

Kung susumain ang mga bagong kaso mula nang magkaroon ng panibagong outbreak ay aabot na ito sa 210.

Para naman sa kabuoang bilang ng mga kaso sa New Zealand mula nang nagsisimula pa lang ang pandemya, ay pumalo na ito sa mahigit 3,000 kabilang na ang 26 na nasawi.

Ipinunto naman ng ilang health officials na natukoy na ang 20,383 individual contacts habang meron naman mahigit 480 na locations of interest.

Dahil sa outbreak ay napilitan si Prime Minister Jacinda Ardern na iutos ang istriktong level 4 national lockdown.

Inihayag naman ng gobyerno ng New Zealand na hindi pa nababakunahan ang 80% ng populasyon nito, ngunit nitong Miyerkules ay nakapagtala ito ng record na 80,000 vaccinations at 50,000 na COVID-19 tests.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *