Kawalan ng cockpit arena sa distrito ng Bacon, isa sa mga dahilan ng talamak na tupada

Naniniwala ang ilang konsehal sa Lungsod ng Sorsogon na ang kawalan ng sariling cockpit arena sa Distrito ng Bacon ang isa sa mga dahilan kung bakit talamak ang ilegal na sabong o tupada sa nasabing lugar.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon kay City Councilor Atty. Glen Olbes, bukod-tangi kasi ang naturang distrito sa walang sariling sabungan kumpara sa East at West district na mayroong nag- ooperate na sabungan lalo pa at malawak ang sakop ng nasabing distrito bilang isang dating munisipalidad.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Naniniwala ang naturang opisyal na tila napagkakaitan ng karapatan at prebilehiyo ang naturang distrito na dapat umanong mapansin ng Lokal na Pamahalaang ng Lungsod at ng Konseho.