CAMARINES SUR- Hindi na nakaligtas ang isang 21-anyos na binata matapos na mahulog sa creek sa Magarao, Camarines Sur.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay PCapt. Monica San Juan, hepe ng Magarao PNP sinabi nito na nangyari ang insidente bandang ala-1:55 ng Pebrero 1, 2023 ng hapon. Sa pagkakatayo , nawalan ng balanse ang biktima na si Romell Balderama ng Barangay San Juan at nahulog sa creek. Nang may nakakita dinala sa ospital ang binata pero dead on arrival na ito ayon sa sumuring doctor.
Sinabi pa ni San Juan na lumalabas din sa imbestisyon na parang may inaabot ang binata. Nasa 12 feet ang lalim ng creek, hindi aniya nakahingi ng tulong o naka sigaw man lamang dahil deaf and mute ang biktima.
Paalala ng hepe na bantayan lagi o huwag papabayaan ang mga may kapansanan.