Traffic enforcer na lumabag sa No Helmet No Travel Policy, kakasuhan!

KORONADAL CITY- DALAWANG kaso ang kakaharapin ngayon ng isang miyembro ng City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal matapos na makuhanan ng picture ng isang netizen sa isang traffic light sa lungsod na naka-uniporme at naka-tsinilas habang may angkas na walang suot na helmet sa kasagsagan ng implementasyon ng No Helmet No Travel Policy sa lungsod noong Lunes.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito ang inihayag ni Joy Placer hepe ng CTMO-Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Placer na nakilala na ang nasabing traffic enforcer kung saan agad nitong pinababaan ng memo upang pasagutin hinggil sa viral na larawan nito.

Kabilang umano sa kakaharapin ng traffic enforcer ay kasong paglabag sa No Helmet, No Travel Policy at sasampahan din ito ng kasong administratibo.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Dagdag pa ng opisyal na hindi nito kinukunsinte ang maling kagagawan ng kanyang kasamahan lalo’t dapat ang mga ito ang maging manguna sa ipinapatupad na No Helmet No Travel Policy sa lungsod.