Kaso ng tigdas sa Koronadal, alarming!

ALARMING ngayon ang kaso ng tigdas sa lungsod ng Koronadal matapos na umakyat ito sa 33 simula noong Enero 12 hanggang Mayo 4, 2024, mula sa 19 na kaso sa kapareho nitong panahon noong nagdaang taon.

Sa kabila na walang naitalang namatay sa tigdas, ngunit base sa report ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU, umakyat ito ngayon noong 74% kung saan karamihan sa mga nakararanas ang mga kabataan na may edad walo hanggang 14-anyos.

Binigyang-diin nito ni City Health Officer Dr. Vincent Ende, na ang pagbabakuna sa mga sanggol ay isang mabuting pamamaraan upang maiwasan ang nasabing sakit. Kinilala bilang “Best Performing Epidemiology and Surveillance Unit” at mabilis sa pagsumite ng “2023 field health Services Information System o FHSIS M1” ang CESU ng City Health Office o CHO ng lungsod.

Basehan ng pagkilalang ito ay ang tamang pagsusumite ng mga datos sa tamang oras, kakayahang maabot ang 100% na target para sa measles-rubella at kaso ng Acute Flaccid Paralysis o AFP at 100% sa pagsagot sa mga koleksyon ng specimens.

Maliban kay CHO Dr. Vincent Ende, ang CESU ay binubo nina Dr. Guia De Los Santos-Epidemiology and Surveillance physician, Nelvi Laplana, Cristine Hazel Maravilla, Sol Ma. Lebanan at Norbenz Notarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *