China, nagsagawa ng emergency drills sa Bajo de Masinloc bago magsimula ang civilian mission ngayong araw

Nagsagawa ng sariling military exercises ang China Coast Guard (CCG) bago simulan ng Filipino civilian convoy na Atin Ito Coalition ang kanilang misyon sa Bajo de Masinloc para maghatid ng mga supply sa mga lokal na mangingisda.

Namataang nagdaraos ang mga crewmen ng CCG ng mga emergency drills sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal, na nasa loob ng exclusivie economic zone ng Pilipinas.

Sa kabila ng presensya ng mga Tsino, nanindigan ang Atin Ito Coalition na hindi sila mapipigilan sa kanilang mapayapang misyon.

Maalalang inihayag na rin ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na mahigpit na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isinasagawang civilian convoy.

Bagama’t hindi nagbigay ng detalye si Trinidad, kinumpirma nitong nagpadala sila ng barko para tutukan ang nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *