Limang katao, patay sa karambola ng tatlong sasakyan sa Lopez, Quezon

Patay ang limang katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay Canda Ilaya, Lopez, Quezon nitong madaling araw ng Miyerkules, Mayo 15.

Ayon sa report, binabagtas noon ng tuktuk ang direksyong south nang masalpok ito ng truck kung saan nagliyab ito at bumangga sa bus na nasa unahan.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Binawian ng buhay ang lima sa siyam na sakay ng tuktuk kung saan ang dalawa rito ay menor de edad habang ang iba pa ay ginagamot sa hospital.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Lopez Municipal Police Station ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.