Kaso ng COVID-19 sa Bicol, muli nanamang sumirit matapos na maitala ang 41 bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Muli nanamang sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na maitala ang 41 mga bagong kaso ng sakit kahapon araw ng Martes.

Batay sa datus na inilabas ng Department of Health, 21 kaso ang naidagdag sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan lima sa mga ito ang mula sa Naga City; apat sa bayan ng San Fernando; tatlo sa Libmanan; tigda-dalawang kaso ang mga bayan ng Bula, Cabusao at Tigaon habang may tig-iisa naman ang mga bayan ng Bato, Caramoan at Sipocot.

Samantala, 11 bagong kaso naman ng sakit ang naitala sa lalawigan ng Albay, kung saan  tatlo sa mga ito ang mula sa Legazpi City; may tig-dalawa ang lungsod ng Ligao at bayan ng Rapu-Rapu habang tag-iisang kaso naman ang naidagdag sa mga bayan ng Daraga, Guinobatan, Pio Duran at Tiwi.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Walong bagong kaso rin ang naitala sa Sorsogon, kung saan tatlo nito ang mula sa bayan ng Matnog at tag-iisa ang mga bayan ng Irosin, Juban, Magallanes, Donsol at Sorsogon City habang may isang kaso rin mula sa Pasig City ngunit dito nairehistro sa Bicol.

Zero new case naman ang mga lalawigan ng Masbate, Catanduanes at Camarines Norte.

Bunsod nito, pumalong muli sa 1,890 ang active cases ng COVID-19 sa rehiyon mula sa kabuuang 46,868 na mga kumpirmadong kaso.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sakabila nito, mataas naman ang bilang ng mga bagong gumaling na umabot sa 221 kung saan 183 nito ang mula sa Naga City; 35 sa Albay at tatlo sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Dahil dito pumalo na sa 43,005 ang COVID-19 recoveries sa rehiyon habang nasa 1,948 na ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng 25 fatalities na pawang mula sa Naga City.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa mga Bicolano na matamang sundin ang mga umiiral na health protocols at makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out upang mabigyan ng proteksyon ang sarili lalo na ngayong may banta  na ng Omicron variant sa Bicol region.###