Unang E.O ngayong 2022 inilabas sa bayan ng Camalig, Albay ngayong linggo kaugnay ng pag- iingat sa banta ng COVID 19 Omicron variant

BNFM BICOL- Umiiral na ngayon sa bayan ng Camalig sa lalawigan ng Albay ang pinaka unang Executive Order o E.O No. 1- 2022 na ikinasa ng lokal na pamahalaan kaugnay ng pag iingat ng publiko sa banta ng COVID-19 Omicron variant.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News FM Bicol, simula ngayong linggo ay pinaiigting na sa lugar ang implementasyon Quaratine Protocols, reactivation ng Barangay Health Emergency Respeonse Team ( BHERTS) gayun din ang monitoring ng Local Interagency Task Force sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, patuloy naman na hinihikayat ng LGU ang publiko na makiisa sa vaccination roll out, muling paghahanda ng mga Isolation Facilities, pagsunod sa umiiral na Liquor Ban sa mga lugar na may aktibong kaso ng sakit at mahigpit na pagbabantay sa Camalig Testing Center para sa mga indibidwal na papasok sa bayan.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa bisa ng naturang E.O, inaasahan ng lokal na pamahalaan na magiging protektado ang mga mamamayan sa banta ng Omicron variant kasabay ng pagsunod sa Minimum Public Health Standards.###