December billing na babayaran ng mga kunsomidores ng Canoreco ngayong Enero bumaba

CAMARINES NORTE- Sasalubong ngayong Bagong Taon ang magandang balita sa mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative.

Bumaba kasi ang billing rate para sa buwan ng Disyembre 2021 na babayaran ngayong Enero 2022 batay sa anunisyo ng Canoreco kahapon.

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente, bumaba ng Php0. 2532 per kWh ang rate sa residential na nasa  Php10. 9501 per kWh kumpara sa Php11.2033 per kWh noong November 2021.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang rate naman sa Commercial low voltage noong Disyembre ay Php9.9966 per kwH habang Php 8. 3833 per kWh naman sa Commercial high voltage.

Ang pagbaba umanong ito ay bunsod ng pagbaba naman ng Generation Charge at System loss charge.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, inanunsiyo rin ng Canoreco na upang maipagpatuloy ang pagkakaroon ng 5 % utility discount, ang mga senior citizen na Member Consumer Owner ay dapat makapag renew ng kanilang application tuwing Enero taon- taon para mai apply agad sa January billing.

Ang mga hindi makakapag renew para sa nasabing buwan ay magagamit ang discount sa sunod pang billing period.