Sinisimulan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagtatayo ng mga terminal na nakatuon sa mga malalaking cruise ship.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, sisiguraduhin nilang lahat ng mga daungan ay makakapag-accommodate ng cruise operation lalo na ngayong dumarami na ang pumapasok na torista sa bansa.
Layun ng ahensya na palalakasin ang cruise tourism sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga pasilidad ng daungan, gayundin ang magbigay ng mas ligtas at mas maginhawang karanasan sa transportasyong pandagat sa mga turista na sakay ng mga cruise vessel.
Samantala, kamakailan ay natanggap ng Pilipinas ang Best Cruise Destination Award na ilang mga parangal sa World Cruise sa tulong na rin ng Department of Tourism at iba pang ahensya ng gobyerno.