Petitioners kontra Maharlika Investment Fund, nanindigang dapat nang ibasura ang sovereign fund

Welcome development ngunit hindi pa tagumpay.

Ganito tingnan ng isa sa mga petitioner kontra sa Maharlika Investment Fund (MIF) ang naging atras-abante na utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. hinggil sa kapalaran ng implementing rules and regulations o IRR ng batas.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Una na kasing iniulat ang suspension nito, ngunit ngayong umaga lamang ay kumambyo naman si Marcos.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Atty. Carlos Zarate, isa sa tatlong nagsampa ng petition para ideklarang “unconstitutional at void” ang MIF, sinabi nito na hindi pa masasabing panalo ang hakbang.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Aniya, dapat daw kasing tuluyan na lamang itong ibasura.

Iginiit ni Zarate na dating Bayan Muna lawmaker na tila may nag-udyok naman aniya kay Pangulong Marcos sa tila biglang binawi ang naunang naging pahayag sa suspension kahapon.