Inaanyayahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga kandidato sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gumamit ng recyclable at environment-friendly na campaign materials upang hindi masira ang kalikasan.
Ito’y alinsunod sa Section 6 ng Comelec resolution 10294 o ang Rules and Regulation Implementing RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 kaugnay sa BSKE.
Ayon sa DENR, maliban sa pagtatakda ng sukat sa mga nasabing materyales ay dapat isaisip din ng mga kandidato ang kapakanan ng kapaligiran.
Bukod dito, sinabi rin ng ahensya na iwasan ng mga BSKE candidates ang mga campaign materials na nagtataglay ng nakakalasong kemikal sa paggawa ng printed materials.