Kapitan at Secretary nito, patay sa ambush

Patay ang Kapitan ng barangay Bulibod sa bayan ng Sultan Kudarat kasama ang secretary nito sa nangyaring pananambang ng abot sa lima hanggang anim na kalalakihan alas 10:30 ng gabi kagabi sa barangay road ng lugar.


Kinilala ni Police Lieutenant Col. Esmael Madin hepe ng Sultan Kudarat PNP ang mga biktima na sina Kapitan Esmael Latip Mustapha at Rahima M Maulana na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang katawan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives


Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang mga biktima nang pagsapit sa lugar ay agad silang pinaulanan ng sunod-sunod na putok ng baril na pawang mga matataas na kalibre na sanhi ng kanilang kamatayan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros


Matapos ang pananambang ay agad tumakas ang mga salarin sa di natukoy na direksyon habang ang mga otoridad ay agad na nakapagresponde sa lugar at inabutan ang mga labi ng mga biktima.


Inaalam na ng kapulisan kung ano ang motibo sa nasabing insidente. (Jom Dimapalao)