Embahada ng Pilipinas hinihikayat na lumikas na ang nasa 1,000 Pilipino sa Lebanon

Patuloy na hinihikayat ng Philippine Embassy ang halos 1,000 mga Pilipino sa Lebanon na lumikas habang hindi pa lumalala ang giyera at hindi pa isinasara ang mga paliparan.

Ito ay kasunod ng tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Sa pinakahuling pambobomba ng Isarael sa Southern Lebanon, sampo ang namatay kabilang na ang dalawang bata.

Ayon sa embahada mahigit 300 Pilipino lang ang nakauwi na sa Pilipinas.

Read More:  Sen. Imee warned she might end up like ‘Jay Sonza’ or get arrested

Ang overseas adminsitration workers nanawagan sa mga kaanak at kakilala ng mga OFW na pakiusapan ang mga ito na pauwiin na sa Pilipinas.

Itinaas na ng pamahalaan sa alert 3 ang Lebanon o voluntary repatriation kung saan sagot ng gobyerno ang gastos sa nais umuwing OFW sa Lebanon.