Isang araw bago ang deadline ng paghahain ng certificate of candidacy para sa 2025 midterm elections, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapaigting ng pagbabantay laban sa mga armadong grupo.
Ayon kay Gen. Marbil, posible kasing maghasik ang mga ito ng kaguluhan sa darating na eleksyon.
Inatasan na rin ni Marbil ang mga police units sa bansa na palakasi ang kanilang security operations lalo na sa mga traditional election hotspots.
Kabilang dito ang paglalagay ng strategic checkpoints at pagpapalakas ng intelligence monitoring.
Muli ring pinaalalahanan ng PNP Chief ang mga pulis na manatiling neutral at iwasan ang pakikialam sa pulitika.