CAMARINES SUR–Nabawasan ang mga basurang nasa baybayin ng San Miguel Bay sa Camarines Sur dahil sa isinagawang simultaneous “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” nitong Enero 6, 2024.
Sa Cabusao, mayoriya sa mga barangay ay nasa tabi ng dagat, mula sa San Pedro, Barcelonita, Pandan, New Poblacion, Sta.Lutgarda, Sta.Cruz at Castillo na mas dumadami ang mga basura na galing kung saan-saan.
Kaugnay nito, nakausap ng Brigada News FM Naga si Barangay Kagawad Jack Perez, na siya namang chairman ng Enviroment sa konseho nila at nabanggit niya na matagal ng problema nila ang mga basura na itinatapon at naaanod sa kanilang barangay.
Bukod sa naturang bayan, naging masigsig na lumahok sa paglilinis mga nasa coastal areas ng lalawigan na pinoproblema din ang mga basura sa tabing-dagat nila pag ganito ang panahon na hindi tumitigil ang pagbagsak ng ulan dahil sa mga basurang nasa baybayin.