CAMARINES SUR- Ngayong araw magtatapos ang siyam na misa nobenaryo para sa Itim na Nazareno kung saan ito ay hudyat na bukas, Enero 9, ipagdiriwang na ang kapistahan nito sa buong bansa.
Sa Nabua, Camarines Sur, magkakaroon ng iba’t-ibang kaganapan kabilang na ang prusisyon bukas. Kaugnay nito, sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCpl Jonard Bufete, PCAD PIO ng Nabua Municipal Police Station na nakahanda silang magdeploy ng dagdag na personahe sa mga lugar na siguradong dadagsain ng mga deboto at magiging sanhi ng trapiko.
Dagdag pa ni Bufete, asahan na magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko partikular sa parokya ng Holy Cross Parish kung saan dito nakasentro ang mga kaganapan sa kapistahan ng Itim na Nazareno.