Kai Sotto, sasali sa NBA Draft

Nagdeklara na ang Filipino sensation na si Kai Sotto ng kanyang intensyon na sumali sa NBA Draft ngayong taon.

Ang naturang development ay ginawa ni Sotto sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, kung saan humingi rin ito ng dasal at suporta para sa kanyang quest na matupad ang kanyang ultimate dream.

Sa naturang post, pinasalamatan rin nito ang Adelaide 36ers, na kanyang team sa Australian National Basketball League.

Noong Miyerkules nang pangalanan si Kai bilang Fans MVP ng NBL. //MHEL PACIA-TRINIDAD