Indonesia, sinuspende ang lahat ng exports ng palm oil

Ipinatupad ng Indonesia ang complete ban sa palm oil exports, matapos na ang pinakamalaking producer ng naturang commodity sa buong mundo ay nahaharap sa domestic shortage ng cooking oil, at tumataas na ang presyo.

Sa katunayan, inaabot ng ilang oras ang mga consumers sa ilang mga lungsod na pumila sa harap ng distribution centers para makabili ng essential commodity sa subsidized rates.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa last-minute reversal, nilinaw ni Coordinating Minister for Economic Affairs Airlangga Hartarto na ang embargo ay saklaw ang lahat ng exports mula sa oilseed, at hindi lang para sa mga produkto para sa edible oils.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Sinabi naman ni President Joko Widodo na ang pagsuplay sa 270 million na kanilang mga residente ang prayuridad ngayong ng kanyang gobyerno.

Ang Indonesia ay produces ng halos 60 percent ng palm oil sa buong mundo, kung saan one-third dito ay nako-consume ng kanilang domestic market. //MHEL PACIA-TRINIDAD