Kidney transplant kay Miss International 2013 Bea Santiago, successful

Masayang ibinahagi ni Miss International 2013 Bea Santiago na matagumpay ang kidney transplant na ginawa sa kanya.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng beauty queen ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki, na siyang nagdonate sa kanya ng kidney, ganun rin sa mga taong nagdasal, sumuporta at nagbigay ng positive energy at tumulong sa kanya para maging matagumpay ang transplant.

Read More:  Ate Gay remains in critical condition following septic shock, stroke

Nagbigay rin ng tibute si Bea para sa mga staff, nurses at doktor na gumawa ng matagumpay na procedure sa kanya.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Si Bea ay na-diagnose na may chronic kidney disease noong 2018 at noong 2020, ibinunyag nito na sasailalim siya sa dialysis, limang beses bawat linggo. //MHEL PACIA-TRINIDAD