Nakatakdang gumawa ng kanilang pinakaabang pagbabalik ang K-pop superstars na BIGBANG, kung saan maglalabas sila ng bagong music sa kauna-unahang pagkakataon, sa nakalipas na apat na aton.
Ayon sa record label YG Entertainment, ilalabas ng BIGBANG ang bagong kanta sa unang bahagi ng 2022.
Sa ngayon, tapos na ang recording ng kanilang bagong kanta, at naghahanda na lamang para sa shooting ng kanilang music video.

Sa gitna nito, inanunsyo rin ng YG na aalis na sa kompaniya ang BIGBANG member T.O.P, matapis ang 16 na taon, pero tiniyak na patuloy nitong ipo-promote ang grupo.//MHEL PACIA-TRINIDAD