Pres’l adviser: premature pang irequire ang booster cards sa establisyemento

Nakikita ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon na masyado pang maaga ang pagrerequire ng booster cards sa mga establisyemento, sa gitna ng mababang bilang ng mga Pilipino na nakakuha ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Tinutukoy ni Dizon ang pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na inilarawan nitong mas mabilis na paraan na makapagtayo ng wall of immunity laban sa virus.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Pagbabagi ng COVID-19 response official, nasa walong milyon palang ang mga nakatanggao ng COVID-19 boosters.

Sa gitna nito, hinikayat ng opisyal ang mga private sector at si Secretary Concepcion na tumulong na isulong sa mga tao ang pagkuha ng booster shots.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa ngayon, halos 60 million Filipinos ang kompleto na ng kanilang primary doses, pero kailangan pang ma-fully vaccinate ng gobyerno ang nasa 90 million bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. //MHEL PACIA-TRINIDAD