Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, inabot ng lockdown sa Israel

Hindi natuloy ang nakatakdang concert sa Israel para sa mga Pilipino, kung saan tampok ang real-life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at ang komedyanteng si Boobay, dahil sa pag-atake sa Israel ng mga militanteng Palestinian.

Sa isang statement na inilabas ng GMA Network, sinabi nitong ligtas ang mga artista, kabilang na rin ang kanilang mga entourage.

Nag-post na rin si Julie Anne sa kanyang social media na nasa Tel Aviv airport na sila pabalik ng Pilipinas.

Nakita rin sa mga previous posts nito na nakapag-ikot pa ang tatlo sa bansa bago maganap ang pag-atake.

Courtesy: Maris Gonsalez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *