Isang “mummyfied” na lalaki, nakatanggap nang pormal na libing

Matapos ang daan-daang taon, maililibing na nang pormal ang isang lalaki na aksidenteng na-mummyfy matapos mamatay sa isang kulungan sa Pennsylvania.

Ayon sa Auman’s Funeral Home sa lungsod, 128 taon na ang nakalilipas matapos aksidenteng na-mummify si “Stoneman Willie” ng isang mortician na nag-eksperimento sa mga bagong pamamaraan ng pag-embalsamo.

Dagdag pa nitong nakilala na rin nila ang “mummy” sa pamamagitan ng historical records, kaya porma nilang ibubunyag ang kanyang pangalan sa kanyang lapida o tombstone.

Nagsilbi rin daw na kaibigan si Stoneman Willie sa mga empleyado ng funeral homes dahil hindi nila tinrato na isang bangkay.

Sa ika-275 na anibersaryo ng lungsod ng Reading, ipinarada din ang mummy bilang pagpugay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *