1,000 na ang nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel

Umabot na sa halos 1,000 ang bilang ng mga nasawi mula nang ilunsad ng militanteng grupong Hamas ang pag-atake nito sa Israel sa pamamagitan ng isang barrage ng mga rocket at isang malawakang pag-atake sa lupa.

Ayon sa gobyerno ng Israel, mahigit 600 na indibiwal na ang mga nasawi sa kanilang panig, habang nag-ulat naman ang mga opisyal ng Gaza na hindi na bababa na 370 casualties.

Nagbabala na ang Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu sa isang mahabang digmaan, dahil ang pakikipaglaban nito sa Hamas ay nag-iwan ng daan-daang patay at libo-libong sugatan.

Nakipag-usap rin daw ito sa mga pinuno ng Germany, Ukraine, Italy at Great Britain, na nagpahayag ng suporta sa karapatan ng Israel upang ipagtanggol ang bansa hanggang sa kinakailangan.

photo from: Al Jazeera English

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *