Inamin ng aktres na si Julia Montes na meron nang nagpapatibok sa kaniyang puso matapos ang kaniyang ilang taong pananahimik tungkol sa kaniyang personal na buhay.
Isiniwalat ito ng aktres sa isang interview kung saan ay sumagot siya ng “yes” sa tanong kung in love ito ngayon.
Hindi naman binanggit ni Julia ang pangalan ng kaniyang nobyo, pero sinabi niya na mutual decision nila pareho na panatilihing pribado ang kanilang relasyon.

Ipinunto ni Julia na pinili nila ang path na ito dahil naniniwala sila na magulo na ang trabaho na kanilang pinasok, na dahilan naman kung bakit hindi na nila dapat paguluhin pa kung ano ang meron sila.
Natanong rin si Julia sa parehong interview kung handa ba siyang pakasalan ang kaniyang nobyo ngayon, na agad naman niyang sinagot ng “yes, of course!…I will not protect it naman if hindi,”
Una nang na-chismis na ka-relasyon ni Montes ang aktor na si Coco Martin.
Noong Marso lamang ay naispotan ang dalawa na paalis ng Caticlan Airport ng magkasama, matapos magsulputan ang kanilang mga larawan at videos sa social media.