COVID-19 deaths sa buong mundo, halos nasa 4-million na

Pumalo na sa 3,957,862 ang bilang ng COVID-19 deaths na nairehistro sa buong mundo, mula nang unang magkaroon ng outbreak ng virus sa China noong December 2019.

Base sa datos na kinolekta ng international news organization na AFP mula sa iba’t-ibang official sources ay tinatayang nasa mahigit 182.5-million na kaso na ang naitala sa buong mundo.

Noong Huwebes lamang ay naitala ang 8,769 na bagong nasawi at 432,864 na bagong infections sa buong mundo.

Makikita sa mga huling ulat na naitala ang pinakamaraming bagong fatalities sa Brazil na umabot sa 2,029, sinundan ito ng India na may 843 at Russia na may 679.

Ang Estados Unidos naman ang nanatiling pinakaapektadong bansa sa buong mundo kung saan ay naitala na nito ang 605,019 death toll mula sa mahigit 33.6-million infections.