Kinumpirma ng Pfizer na sinisikap nitong mag-develop ng booster shot para malabanan ang mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Ayon sa Pfizer at sa partner nitong BioNTech, ang pagdadagdag ng 3rd jab sa two-dose vaccination ay maaaring makapagbigay ng highest level ng protection laban sa lahat ng variant ng COVID-19 kasama ang Delta.

Una na ring lumabas sa findings ng Israel Ministry of Health na mayroong 6-month post-vaccination efficacy habang mas nagiging dominant ang Delta variant.
Ito umano ang dahilan kaya kumbinsido ang drug maker na kailangan ng 3rd dose sa loob ng 6 hanggang 12 buwan matapos ang full vaccination.
Inaasahan naman magkasisimulan ang clinical trials sa booster shot sa susunod na buwan pero dadaan ito sa regulatory approvals.
Matatandaan na unang naitala ang Delta variant sa India at naging dominant COVID-19 variant sa America.