Jojo Nones, mananatili pa rin sa detention facility ng Senado

Nag-init ang ulo ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kay Jojo Nones sa naging pagpapatuloy ng pagdinig ng sexual harassment sa kaso ni Sandro Muhlach.

Si Nones ang isa sa mga akusado na sinasabing nang-rape o nanghalay umano sa anak ng dating child star na si Niño Muhlach.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Sa nasabing pagdinig, nainis si Estrada sa paulit-ulit na pagtanggi ni Nones na sagutin ang kanyang katanungan at pagbulong muna sa abogado nito bago tuluyang sumagot kahit sa hindi naman umano incriminating questions.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Kasunod nito, nagdesisyon ang senador na huwag muna ito palayain at panatilihin muna sa detention facility ng Senado dahil sa kanyang naging aksyon.

Samantala, bigo namang makadalo sa pagdinig si Richard Cruz dahil naka-confine umano ito sa ospital dahil sa gastrointestinal bleeding.