Kukuning unused fund ng Philhealth, hindi gagamitin sa Maharlika Investment fund

Mariing pinabulaanan ng Department of Finance na gagamitin sa Maharlika Investment Fund ang kukuning 89.9 billion pesos na unused fund ng Philhealth.

Ayon kay DOF Director Euvimil Nina Asuncion, walang kinalaman sa MIF ang pagkuha sa natutulog na pondo.

Paliwanag ni Asuncion, nakalista na sa ilalim ng General Appropriations Act 2024 ang mga unprogrammed project na paglalaanan ng kukuning pondo mula sa Philhealth.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

40 billion ay gagamitin para sa taas sahod ng mga kawani ng gobyerno, habang ang first tranche nan ai-remit ng Philhealth ay ginamit na pambayad sa health emergency allowance ng mga healthcare workers.

Meron din anyang inilaan para sa foreign-assisted projects, programa na tututok sa malnutrisyon sa mga rural areas, innovation program ng TESDA.

Meron ring para sa Philippine Rural Development Program upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na mapataas ang kanilang kita ng hanggang 30%, at ang mahabang listahan ng mga infrastructure projects.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ipinunto ni Asuncion na kung hahayaan lang na matulog ang pondo ng Philhealth, mas lalong hindi mapapakinabangan ng taumbayan ang pondo na inilaan ng gobyerno.

Una nang nilinaw ng DOF official na hindi manggagaling sa kontribusyon ng mga Philhealth members ang 89.9 billion pesos.