Alice Guo, at mga kapatid na sina Shiela at Wesley – sabay-sabay na pumuslit ng bansa

Ikinuwento ni Sheila Guo kung papaano siya nakalabas ng bansa.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi niyang sumakay daw sila ng ‘boat’ sa dagat, pero ‘di niya alam kung saang lugar ito.

Mula rito ay mayroon daw silang sinakyang van.

Sabay-sabay daw silang umalis ng kaniyang mga kapatid na sina dismissed mayor Alice Guo, at si Wesley.

Samantala, pinili namang tumanggi ni Cassandra Li Ong na humarap sa pagdinig.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Ito ay sa kabila ng naging imbitasyon sa kanya ng komite upang magsalita hinggil sa kanyang naging tungkulin bilang incorporator ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Sa nasabing sulat na kanyang ipinadala sa komite, sinabi niyang nais niya munang manahimik dahil posibleng magamit ang kanyang testimonya laban sa kanya sa hinaharap.

Pero ayon kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, maituturing na ‘premature’ ang mga argumento ni Cassandra kung kaya’t hindi rin kinakailangan ang naging sulat nito.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Dagdag pa niya, hindi kailanman maaring magamit ang ‘right against self-incrimination’ upang ma-justify ang pagtanggi ng isang indibidwal na humarap sa kanilang pagdinig.

Kasunod nito, nanawagan na si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Kamara na paharapin na sa Senado si Cassandra.

Maaalalang bukas, haharap naman si Cassandra sa pagdinig ng Kamara.