Muling nagharap ang Hollywood star na si Johnny Depp at dating asawa na si Amber Heard sa muling pagsisimula ng kanilang legal battle kaugnay sa defamation trial, kasunod ng alegasyon ni Heard na umano’y domestic abuse.
Mababatid na kinasuhan ni Depp, 58-anyos si Heard para sa $50 million, at sinabing siniraan umano siya ng dating asawa nang sumulat ito ng opinion piece noong 2018 sa Washington Post, hinggil umano sa pagiging survivor ng domestic abuse.
Sa kabila na hindi naman ng op-ed ang pangalan ni Depp, sinabi ng abogado nito na malinaw na ang tinutukoy ay ang kanyang kliyente, kung saan ang naturang piece ay nakasira umano sa film career at reputasyon ng aktor.
Sa muling pagsisimula ng trial, itinanggi ni Depp ang alegasyong pang-aabuso, at iginiit na ang naturang akusasyon ay peke para lang makakuha ng positive publicity si Heard at umusad ang career.

Samantala, ang counterclaim ni Heard ay pagdedesisyunan bilang bahagi ng paglilitis, kung saan magtatagal ito ng anim na linggo.
Si Heard ay humihingi ng $100 million bilang damages mula kay Depp. //MHEL PACIA-TRINIDAD