Britney Spears, inanunsyong buntis

Inanunsyo ni Britney Spears na siya ay buntis para sa pangatlong anak, limang buwan matapos na tuldukan ng mga huwes ang kontrobersiyal na guardianship, kung saan isa sa mga kondisyon ay bawal nang magkaroon ng maraming anak ang pop icon.

Ayon kay Spears, inakala lang ng kanyang 28-year-old partner na si Sam Asghari na siya ay “food pregnant.”

Nakikita naman ng pop icon na baka kambal ang kanyang ipinagbubuntis, pero posibleng mawala ang isa sa kanila.

Matatandaan na matapos ang highly public 2007 breakdown nang atakehin ni Spears ang sasakyan ng paparazzo sa isang gas station, isinailalim siya sa conservatorship na pangunguna ng kanyang amang si Jamie Spears, na nagtagal ng halos 14 na taon.

Pero noong June 2021, hiniling ng “Baby One More Time” singer sa Los Angeles judge na tapusin na ang legal arrangement na nagdulot sa kanyang ng trauma. //MHEL PACIA-TRINIDAD