DepEd, nakatanggap ng $1 million na halaga ng tablets at solar-powered transistor radios

Nakatanggap ang Department of Education (DepEd) ng 46,680 solar-powered transistor radios, 3,500 android tablets at 21 Wi-Fi local area network (LAN) na may kasamang solar-powered batteries mula sa Asian Development Bank (ADB).

Layunin ng ADB na suportahan ang distance learning ng DepEd lalo na sa mga mahihirap na mga studyante sa remote areas.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Ayon sa banko, parte pa lang umano ito sa $2.4 million na donasyon para sa mga secondary school students sa ilang mga lugar kabilang ang Abra, Bohol, Kalinga, Davao Oriental, Davao del Norte at Zamboanga Sibugay.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, base sa Basic Education Learning Continuity Plan ng DepEd noong 2020, nasa mahigit 3,500 na mga paaralan ang hindi naaabot ng kuryente at walang basic infrastructure. (ARGIE ERGINA)