Inamin ni John Estrada na talagang may pinagdadaanan sila ng kanyang asawa na si Priscilla Meirelles.
Ayon sa inilabas na statement ni John sa kanyang social media, matagal na silang hindi nagkakasundo kaya’t napagdesisyunan nilang dalawa na “to take a break.”
Dagdag pa ng aktor, ang pinakahuling bagay na gugustuhin niya ay saktan ang mga taong mahal niya.
Kaya naman, itinanggi niya na may namamagitan sa kanila ng babaeng nagngangalang “Lily Hallman.”
Saad ni John, nakilala lamang daw niya si Lily habang nagbabaksyon siya sa Boracay.
