Bangkay ng babae natagpuan sa dalampasigan sa bayan ng Lebak

PATAY nang matagpuan ang isang 81 anyos sa dalampasigan na kinilalang si Elizabeth Lansican sa bahagi ng Purok Bangsi, Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat ngayong araw.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak kay Joy Velasco anak ng biktima, lalabas lang sana ang kanyang ina para magbawas at di na nakabalik sa kanilang bahay.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Sinabi pa niya, nagbakasyon lang raw dito sa bayan ang kanyang Nanay at uuwi sana ngayong araw sa Sitio Romongaob, South Upi, Maguindanao Del Norte.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Laking gulat nalang ng kanyang pamilya na malamig nang bangkay ang kanilang nadatnan.

Samantala, nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng Lebak MPS sa sanhi ng insidente.