Japan, nagbigay ng babala sa panganib ng heatstroke at sa pag-aalok sa mga cooling shelter

Nagbabala ang Japan patungkol sa panganib ng heatstroke sa Tokyo at sa mga lugar na silangan at kanlurang bahagi nito.

Dahil dito, naitala ang init sa lugar ay naging sanhi ng pagkamatay ng ilang tao dahil sa tindi ng init, bukod dito napilitan din gumamit sila ng makabagong cooling shelter na tinayo sa paligid ng kapital.

Ayon sa awtoridada, ito na naging pinakamataas na antas ng panganib, at naulat ding maraming tao na din ang na-ospital at ang ilan namatay dahil sa epekto ng heatstroke.

Pinaghahandaan ng TEPCO, ang pagbili ng kuryente mula sa ibang utility upang mapaghandaan nila ang pangangailangan sa pagsu-supply nila ng kuryente sa Tokyo.

Sa pahayag ni Trade Minister Ken Saito, sinusubaybayan na ng gobyerno ang mga sitwasyon at upang mapadali at upang tiyakin nila magiging maayos ang pagsuplay nila ng kuryente.

Samantala, naghahanda na din ang mga industriya ng pagsasaka at pangingisda dahil sa posibleng pagtaas ng temperatura at ito din ang naging sanhi sa pagbaba sa kalidad ng mga produkto tulad ng mga bigas at pagbaba ng huli ng mga isda. (BRIGADA NEWS INTERN JAIME CODIZAL)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *