Novak Djokovic, nagwagi sa Wimbledon – Zverev nabigo

Nagtagumpay si Novak Djokovic sa Wimbledon at tinalo si Holger Rune sa quarter-finals, at nakalinya para sa ika-25 Grand Slam, habang nagulat ang marami sa pagkatalo ni Alexander Zverev kay Taylor Fritz.

Si Djokovic, ay pitong beses nang champion, at nagtagumpay sa tatlong set laban kay Rune, 6-3, 6-4, 6-2, sa loob lamang ng higit dalawang oras at hindi nagbigay ng kahit isang punto sa unang tatlong laro.

Naghahanda naman siya sa laban kontra sa Australian ninth seed na si Alex de Minaur sa quarter-finals.

Bagaman madali ang kanyang panalo, naglabas ng galit si Djokovic sa ilang ng mga manonood sa Centre Court na umano’y nagpakita ng kawalang respeto sa kanya.

Nagpasalamat si Djokovic sa lahat mga supporters niyang rumespeto sa kanya, matapos marating ang kanyang ika-60 Grand Slam quarter-final.

Nais niya na pantayan ang record ni Roger Federer na walong titulo sa Wimbledon, at umaasang malagpasan din ang 24 majors ni Margaret Court. (BRIGADA NEWS INTERN JHALDEA RULONA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *