Japan, inutos ang pag-freeze sa assets ng 4 na karagdagang Russian banks

Nagdesisyon ang Japanese government na i-freeze ang assets na hawak ng apat na karagdagang bangko ng Russia.

Sinabi ni Finance Minister Shunichi Suzuki, kasunod ito ng pagpapataw ng European Union ng financial sanctions laban sa Moscow bilang tugon sa pananakop ng Rusia sa Ukraine.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Kamakailan ay pinaboran ng EU at ng mga miyembro nito na alisin ang pitong Russian banks mula sa key international payment network na kung tawagin ay SWIFT.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Layon nito na pigilan ang Russian trade at money transfers.

Una na rin na-freeze ng Tokyo ang assets na hawak ng tatlong Russian banks.