Pag-abanse ng Russia sa Kyiv, wala pa malaking progreso ayon sa UK

Ibinunyag ng British military intelligence na hindi pa nakakagawa ng malaking progreso ang Russian forces pagdating sa pag-abanse nito sa Ukranian capital na Kyiv.

Base rin sa ulat ay hawak pa rin ng Ukrainian forces ang mga lungsod ng Kharkiv, Chernihiv, at Mariupol.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ayon sa defence ministry ng Britain, naharap sa maraming problema ang main body ng malaking Russian column na umaabanse sa Kyiv, na tinatayang nasa 30 km ang layo mula sa sentro ng syidudad.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ipinunto sa intelligence report na dahil ito sa mahigpit na Ukraine resistance, mechanical breakdown, at congestion.

Samantala, meron nang Russian forces ang nakapasok sa lungsod ng Kherson, ngunit hindi pa malinaw ang kasalukuyang sitwasyon nito.