EO para magamit ang nuclear power bilang energy source, inihain ng Pangulo

Nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order (EO) para sa paggamit ng nuclear power bilang energy source kasama na ang iba pang alternatibong energy sources.

Naniniwala ang Pangulo na kinakailangan ito upang makamit ang growth targets ng bansa.

Sa pag-iisyu ng EO 164 ay sinabi ng Pangulo na ang nasabing hakbang ay resulta ng EO 116 na inisyu noong 2020 kung saan ay isinulong ang pagsasagawa ng mga kinakailangang pag-aaral para sa adoption ng National Position for a Nuclear Energy Program, and nagtatag ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na naatasang mag-oversee sa preparasyon nito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions
Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Tiniyak naman sa EO na may petsang February 3 ngunit inilabas lamang noong March 3 na nangangako ang gobyerno na magagamit lamang ang nuclear technology sa mapayapang paraan na nakaangla sa kritikal na prinsipyo ng public safety, national security, energy self sufficiency, at environamental sustainability.