Isang zoo sa Japan, iniimbestigahan ang umano’y mass squirrel poisoning

Pinaiimbestigahan ng isang zoo sa Japan ang umano’y mass squirrel poisoning matapos namatay ang 31 mula sa kanilang 40 na alaga.

Ayon sa mga bantay ng Inokashira Park Zoo, tinurukan ang mga hayop ng anti-parasitic medicine bilang bahagi ng kanilang sanitary precaution at nag-spray ng insecticide sa kanilang nest boxes.

Read More:  China’s preparations for possible Taiwan attack reportedly delayed

Inamin ng pamunuan ng zoo na may posibilidad na drug-induced poisoning ang sanhi ng insidente.

Read More:  29 Filipinos involved in Bavaria bus accident return to Milan

Sa ngayon, inoobserbahan ang kondisyon ng siyam na natitirang buhay na squirrel.

Isasailalim naman sa pathological examination ang kanilang mga patay na alaga.

PHOTO COURTESY: Taichi Kaizuka