Isang Singaporean tumulong umano sa pananatili nina Shiela Guo at Cassandra Ong sa Indonesia

Isang Singaporean man ang tumulong umano sa sa pananatili ni Shiela Guo at Cassandra Ong sa Indonesia.

Ito ang sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco kasunod ng pagbabalik sa bansa ng dalawa kahapon ng hapon.

Alas singkokahapon ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang Philippine Airlines flight na sinakyan nina Guo at Ong.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sinalubong ang dalawa ng mga tauhan ng Intelligence Division at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Tansingco, agad silang nakipag-ugnayan sa kanilang counterparts sa Indonesia matapos mabatid ang impormasyon na ang tatlong Guos at si Ong ay nag-travel sa Batam noong August 18.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sila ay sinasabing paalis na ng Batam Island sa Indonesia nang ma-intercept ng Indonesian investigation team at agad na sinimulan ang proseso ng pagpapabalik sa kanila sa Pilipinas matapos ikinsiderang mga illegal aliens dahil sa pagiging wanted sa bansa.