Isang lola, nakitang patay sa tabing dagat sa Narra

Tumambad ang wala nang buhay na katawan ng isang 82 anyos na lola sa tabing dagat ng Purok Damayan, Brgy. Panacan 2, Narra, Palawan bandang alas-otso ngayong umaga.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Ayon sa Narra PNP, nakilala ito na si Rosalita Combras Noquera na residente sa Purok Damayan.

Base sa imbestigasyon at ayon sa anak nito, palagi umanong pumupunta ng tabing dagat ang ina tuwing umaga kaya hinala niya ay posibleng nalunod ito.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Samantala, napag-alaman din sa kaanak ng PNP na may iniindang sakit ang yumaong matanda.