4 huli sa pagma-mahjong sa Brooke’s Point

Inaresto nitong Linggo ng gabi, July 24, 2022 ang apat na katao matapos umanong maaktuhan na nagma-Mahjong sa Barangay Poblacion District 1, Brooke’s Point Palawan.

Ayon sa ulat ng 2nd Special Operation Unit- Maritime Group, ganap na 9:25 nitong Linggo ay sinalakay ng mga awtoridad ang isang compound kung saan nahuli ang apat na katao.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kinilala ang mga nahuli na sina Merced Arcely y Tana , may –ari 62 anyos, Maria Elena Toledo (player) 52 anyos, Razul Terre y Bolloso , 60 anyos (player) at si Joie Piramide y Chaves 58 anyos.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kinumpiska sa mga nahuli ang mga ebidensya tulad ng Mahjong Tiles, chips, 13, 500 bet money na walang permit, mga upuan at lamesa.

Samantala, kasong Anti- Illegal Gambling ang kinaharap ng mga suspek.