Nanghihinayang ang mag-asawang taga- Puerto Princesa matapos mabiktima ng text scam.
Kwento ng ginang mula sa Barangay Sicsican, mapilit daw kasi ang dalawang scammer at sinabing totoo ang napanalunan nila sa isang promo ng kape.
Inakala raw nilang totoo ang text na may napanalunan silang mahigit P400, 000.00.
Dahil umano sa pangungulit ng mga manloloko ay nagpadala sila nitong Biyernes ng P10, 000.
Humirit pa ng processing fee ang scammer sa mag-asawa bago makuha sa Central bank ang premyo.
Ang isa sa kanila ay nagpakilala pa na gamit ang ‘Bobby Castro’ ng Money Transfer sa Palawan.
Huli na napagtanto ng mag-asawa na na-scam sila dahil sa paulit- ulit na paghingi sa kanila ng pera pero wala naman nangyayari.
Ang insidenteng ito ay hindi bago at ayon sa Kopiko Philippines, kapag nakatanggap ng text scam na tulad nito ay maaaring i-report sa National Telecommunications Commission (NTC) o PNP Anti-Cybercrime Group.