Isang kongresista sa Albay,  tiniyak ng na hindi mapuputol ang suplay ng kuryente matapos ma-terminate ang concession agreement ng APEC

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon ng isang kongresista sa lalawigan ng Albay na kausapin muna si Sec. Raphael Lotilla ng Department of Energy (DOE) tungkol sa kinakaharap o sitwasyon ng kuryente sa lalawigan.

Tiniyak ni 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda na hindi mapuputol ang suplay ng kuryente sa lalawigan o hindi magkakaroon umanong black out matapos ma-terminate ang Albay Power and Energy Corporation (APEC).

Nais din nito na mapababa ang presyo ng kuryente at maisaayos umano ang mga serbisyo para sa mga konsumer.

Kung babalikan, napagdesisyonan sa isinagawang Special General Membership Assembly na i-terminate na ang concession agreement ng APEC.

Dahil dito, babalik na ang management ng distribusyon ng kuryente sa Albay Electric Cooperative (ALECO).

Isinagawa ang assembly sa Albay Astrodome nito lamang Sabado sa pangunguna ni Albay Gov. Noel Rosal.

Sa ngayon ay National Electrification Administration (NEA) na muna ang mamamahala sa suplay ng kuryente sa lalawigan bago ito ibalik sa nasabing kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *